Gustong mag-abroad at maging isang driver si Mary Joy Llanos ngunit, pinipilit umano siyang mag-abroad ng agency bilang isang domestic helper.
Ayaw ni Mary Joy tumuloy dahil ayaw naman niyang maging DH at driver ang gusto niyang trabaho. Gusto sana niyang mabawi ang kanyang passport at mag-cancel ang kanyang visa para makapag-apply siya sa iba.
Nakapanayam si Lyn Calderon ng iEmploy Recruitment Agency at ipinaliwanag na na-i-process na siya bilang DH dahil ‘yon ang kanyang unang inaplayan bago siya nagbago ng isip. Pinaalala ni Idol na may mga dati ng nagreklamo din sa iEmploy dahil sa hindi patas nilang pakikitungo sa mga aplikante.
Sa huli ay napapayag ni Idol ang ahensya na mabawi ang passport ni Mary Joy at wala siyang babayarang kahit anong halaga.
PAALALA: Huwag maniniwala sa ano mang text o tawag na nagpapakilalalang staff ng Raffy Tulfo in Action. Ang lahat ng reklamo ay aming hinaharap sa TV5 Media Center lamang (Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City. Monday-Friday, 9am to 3pm). Ang aming pagtulong ay libre.
Huwag po kayong magpost ng inyong comments na gusto ninyong makatulong o nagtatanong kung paano kayo makakatulong sa mga complainant na nasa video. Marami na po kaming natatanggap na reklamo tungkol sa mga taong nagbibigay ng maling impormasyon o nagpapanggap na staff ng Raffy Tulfo in Action para makapanloko. Kung nais po ninyong tumulong sa mga taong nasa video, magsadya lamang po kayo o magpadala ng representative sa TV5 Media Center at para personal na iabot sa mismong mga taong gusto ninyong matulungan. Salamat po.
Không có nhận xét nào:
Đăng nhận xét