Isang bayaning taxi driver ang nagsauli ng iPhone X sa programa. Siya si Francisco Juaner. Tuwang tuwa naman ang mga pasahero niyang nakawala ng cellphone, at buong pusong nagpasalamat kay Francisco.
Pinaalalahanan din sila ni Francisco na mag-iingat sa susunod at i-check muna ang gamit bago bumaba. Nakatanggap siya ng reward para sa kanyang kabutihan at bibigyang parangal sa susunod na buwan, sa programa.
PAALALA: Huwag maniniwala sa ano mang text o tawag na nagpapakilalalang staff ng Raffy Tulfo in Action. Ang lahat ng reklamo ay aming hinaharap sa TV5 Media Center lamang (Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City. Monday-Friday, 9am to 3pm). Ang aming pagtulong ay libre.
Huwag po kayong magpost ng inyong comments na gusto ninyong makatulong o nagtatanong kung paano kayo makakatulong sa mga complainant na nasa video. Marami na po kaming natatanggap na reklamo tungkol sa mga taong nagbibigay ng maling impormasyon o nagpapanggap na staff ng Raffy Tulfo in Action para makapanloko. Kung nais po ninyong tumulong sa mga taong nasa video, magsadya lamang po kayo o magpadala ng representative sa TV5 Media Center at para personal na iabot sa mismong mga taong gusto ninyong matulungan. Salamat po.
Không có nhận xét nào:
Đăng nhận xét