Isang grupo ng mga manggagawa sa pamumuno ni Melodina Mulles ang nagreklamo laban sa kanilang amo na si Cai Hong Chaw, may-ari ng junk shop na kanilang pinagtratrabahuan.
Wala sa minimum ang sweldo nila, walang OT at wala ding benepisyo. Katwiran ni Mr. Chaw, maliit lamang daw ang kanyang junk shop at hindi niya kayang itaas pa ang kanilang sahod. Itinanggi naman ito ng mga manggagawa at sinabing malaki na ang kanyang operasyon at nag-eexport pa.
Binalaan siya ni Idol na kung hindi siya susunod ay irereport siya sa Immigration at BIR. Matitinag ba si Mr. Chaw sa babala ni Idol?
PAALALA: Huwag maniniwala sa ano mang text o tawag na nagpapakilalalang staff ng Raffy Tulfo in Action. Ang lahat ng reklamo ay aming hinaharap sa TV5 Media Center lamang (Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City. Monday-Friday, 9am to 3pm). Ang aming pagtulong ay libre.
Huwag po kayong magpost ng inyong comments na gusto ninyong makatulong o nagtatanong kung paano kayo makakatulong sa mga complainant na nasa video. Marami na po kaming natatanggap na reklamo tungkol sa mga taong nagbibigay ng maling impormasyon o nagpapanggap na staff ng Raffy Tulfo in Action para makapanloko. Kung nais po ninyong tumulong sa mga taong nasa video, magsadya lamang po kayo o magpadala ng representative sa TV5 Media Center at para personal na iabot sa mismong mga taong gusto ninyong matulungan. Salamat po.
Không có nhận xét nào:
Đăng nhận xét